Thursday, February 26, 2009

FILIPINO RESEARCH



Pamantasan ng Santo Tomas
Kolehiyo ng Komersyo
Ikalawang Semestre 2008-2009



Mga Mananaliksik:

Deevon M. Cariaga

Hana Tetris R. Salumbides
Louise Samonte

Juscy Morallo

Fances Irene Saw



1. PANIMULA

A. INTRODUKSYON


Nakakatulong ang pagpapautang ng lending companies sa mga small business owners .

B. INTRODUKSYON NG SULIRANIN

ang paksa ng pananaliksik ay tungkol sa pananaw ng mga may- ari ng small business na nangungutang sa lending companies. Sa kakulangan ng perang pantustos sa mga gastusin, napipilitan ang mga tao na mangutang sa mga lending companies.

Sa pananliksik, aalamin kung paano nakakatulong ang pangungutang.Magbibigay ng ilang detalye kung paano nangungutang sa mga lending companies upang malaman ang disposisyon ng mga nangungutang dito.


C. REBYU O PAGAARAL

  • Introduction to study of business in the Philippines by G.S. Miranda
    Ang nilalaman nito ay tungkol sa mga batas sa Pilipinas tungkol sa pagpapautang, halimbawa ang “Truth in Lending Act” o “Republic Act No. 3765”. Kinakatawanan nito ang mga polisiya, sakop at iba pang probisyon tungkol sa pagpapautang.

  • Philippine tycoon the biography of an industrialist, Vicente Madrigal by C. Quirino

  • Ang aklat na ito ay tungkol sa buhay ni Don Vicente Madrigal. Siya ay nagmula sa mahirap na pamilya na nagmula sa Bikol at nagsikap at naging isang Business Tycoon noong post -war era sa Pilipinas. Nakasulat dito sa aklat na ito kung paano niya ginawa ang kanyang business empire, ang kanyang mga paghihirap at mga suliranin at solusyon sa kanyang kumpanya.
  • NeGosyo, 50 Joey Concepcion’s Inspiring Entrepreneurial Stories by J. Concepcion

  • Ang aklat na ito ay kalipunan ng mga kwento ng mga entrepreneurs na nagtatag ng kanilang mga negosyo. Kinakabilangan dito ang mga kwento ng mga taong nangutang muna bago nakapagtaguyod ng negosyo. Halimbawa si Jesus Tambunting, CEO ng Philippine Development Bank, sinabing nangutang muna siya bago nakipagsapalaran sa negosyo.
  • Profiles of Success Stories of Gawad Pitak Winners by Land Bank of the Philippines.
  • Ang nilalaman ng aklat na ito ay mga kalipunan ng mga kwento ng mga cooperatives sa probinsya, kung paano sila nakapagtaguyod at nakipagsapalaran sa pagpapaunlad sa kanilang mga bukid sa pamamagitan ng kanilang pangungutang sa Land Bank of the PhilIppines at sa Department of Trade and Industry.



D. LAYUNIN

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay:

  • Upang makatulong at malaman ang mga opinyon ng mga nanghiram ng pera sa mga lending companies.
  • Upang makatulong at malaman kung nakakatulong ba talaga ang pangungutang.
  • Upang makatulong at malaman ang epekto ng pangungutang sa lipunan at sa ekonomiya ng bansa.
  • Upang makatulong at malaman ang mga epekto nito sa financial sector ng lipunan.


E. HALAGA


Sa lumalaking market at sa tumataas na pangangailangan ng salapi, nagagawa ng mga tao, particular na ang mga businessman na manghiram ng pera sa lending companies. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito makapagbibigay ng overview at ng mga risks sa pangungutang at ng mga personal na pananaw ng mga taong nangutang sa lending companies. Makakatulong din sa mga baguhan na negosyante ang pananaliksik dahil mabibigyan ng impormasyon tungkol sa personal na opinyon ng nangungutang at paraan kung paano mangutang sa isang lending company.



F. KONSEPTUWAL NA BALANGKAS


Ang loans ay pinapakinabangan ng madaming tao at instutusyon sa ating bansa. Ang mga loans ay ginagamit ng mga negosyante partikular ng mga may-ari ng mga small business, ng gobyerno at ng mga ordinaryong mamamayan. Kadalasan nangungutang ang mga negosyante sa mga lending companies upang matustusan ang mabilisan pangangailangan nila. Ang pakinabang ng negosyante sa pangungutang ay mas malaking kapital, resource at pondo para sa operasyon ng kanilang mga negosyo



G. METODOLOHIYA

Ang pananaliksik ay isinagawa sa pamamagitan ng surbey at pagkonsulta sa isang empleyado ng CreditPost, Inc., isang lending company sa Lungsod ng Makati. Ang impormasyon na galing sa mga taong nangungutang dito ay ilalagay at ilalarawan sa isang graph upang lubos na maintindihan. Aalamin din kung paano umapply ng loan sa CreditPost, Inc., para malaman kung gaano kakumplikado ang pagpapahiram ng pera.

H. SAKLAW O DELIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay sasaklaw lamang sa mga small business owners na nakapag apply na ng loans sa CreditPost, Inc., . Ang impormasyon na makakalap ay base sa surbey na isasagawa sa mga nakapangutang na. Magdadagdag din ng impormasyon kung paano mangutang sa isang lending company upang lubos na maintindihan and disposisyon ng mga nangungutang dito. Ang impormasyon na makakalap ay base sa mga sagot at pananaw ng mga nainterbyu o nasurbey na tao, mga impormasyon na nasaliksik galing sa libro at pagkonsulta sa isang emleyado ng CreditPost, Inc.



I. DALOY NG PAGAARAL

Sa kabanata 1 nakapaloob ang panukalang pahayag,mga suliranin na dapat talakayin at ang mga nakaraang pagaaral hinggil sa pangungutang na kinabibilangan ng mga libro tungkol sa pangungutang. nakasulat din dito ang layunin at halaga ng aming pananaliksik.

Nakasulat naman sa kabanata 2 ang ang introduksyon ng paksa at ng mga datos sa ginawang survey at interview.

Sa kabanata 3 nakapaloob naman dito ang kritikal na pagsusuri sa pananaliksik, ang konklusyon at ang rekomendasyon.




2. LINALAMAN

A. Introduksyon ng pag aaral



Ang mga lending companies ay ang mga kumpanyang nagpapautang ng pera sa mga nangangailangan na tao o businessmen para makatulong ang mga ito sa kanila Ayon kay Mrs. Samonte ng CreditPost,Inc.,nakakatulong ang mga lending companies sa panahon ng pangangailangan ng pera para sa pamilya o sa mga panahon na mahina ang kita sa business. Natutulungan ng mga lending companies ang mga ito sa pamamagitan ng pagpapautang ng pera na may mababang interest. sa pinapatung nilang interest din sila kumikita.

sa librong Introduction to study of business in the Philippines ni G.S. Miranda ay sinabing ang pagpapautang sa Pilipinas ay nagsimula pa sa mga ninuno natin bago dumating ang mga Kastila. Ang mga polisiya na siyang nag reregula sa pakikipagkalakalan ng pera o pagpapautang ay nakapaloob sa Republic Act No. 3765 o mas kilala sa tawag na TRUTH IN LENDING ACT.

Ang iba't ibang klase ng business ay nahahati sa apat ito ay ang MICRO, SMALL, MEDIUM at LARGE. Ito ay ayon sa wensite ng Department of Trade and Industry ,http://www.dti.gov.ph/dti/index.php?p=532, ay

MSMEs Defined

Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) shall be defined as any business activity or enterprise engaged in industry, agri-business and/or services, whether single proprietorship, cooperative, partnership or corporation whose total assets, inclusive of those arising from loans but exclusive of the land on which the particular business entity's office, plant and equipment are situated, must have value falling under the following categories:

By Asset Size*

Micro: Up to Php 3,000,000
Small: Php 3,000,001 -- Php 15,000,000
Medium: Php 15,000,001 -- Php 100,000,000
Large: above Php 100,000,000

Alternatively, MSMEs may also be categorized based on the number of employees:

Micro: 1 -- 9 Employees
Small: 10 -- 99 Employees
Medium: 100 -- 199 Employees
Large: More than 200 Employees

*As defined under Small and Medium Enterprise Development (SMED) Council Resolution No. 01 Series of 2003 dated 16 January 2003.

Para sa karagdagang impormasyon, inilagay dito ang mga klase ng nag papautang na mga tao o institusyon. Ang ordinary lender (individuals, 5-6 system) ay binubuo ng mga taong kaunti lang ang pinapautang nag rarange sa halagang php 100.00 to php. 1000. Hindi masyadong mabusisi ang proseso ng paghiram ng pera sa kanila, ngunit may kataasan ang interest.

Ang business lender naman ay ang mga sanglaan, credit cards, bangko, credit companies. Ito ay may mabusising proseso para maka pangutang sa kanaila, kabilang sa proseso ang pag fill-up ng application form at interview at pag bayad ng processing fee na 300pesos.

May Credit investigation na isasagawa na kasama ang Lending Association and Credit Management Association of the Philipines, ito ay isang organisasyon ng mga nagpapautang na mga institusyon na nagsisilbing investigator o evaluator. Kailangan din ang residential checking at preparasyon ng Evaluation Report. pagkatapos ma-proseso ang mga papeles ay pag-aaralan na ng isang komite sa kumpanya ang posibilidad na pautangin o hindi ang nag file ng loan request.

B. Presentasyon ng Datos

Upang makakalap ng impormasyon at magampanan ng maayos ang pananaliksik, sinurbey namin ang mga tao na nangungutang sa mga lending companies. Sa kabuuan, nakapag surbey ng 10 tao kung saan sinagot nila ang mga sumusunod na katanungan sa isang surbey sheet.

Sa impormasyon na nakalap, ipinapakita na 60% o 6 sa 10 na nasurbey ay nagsabi na mas nakakatulong ang pangungutang kesa sa peligro o risk na maari nitong dala. Makikita ito sa pulang parte ng prinisentang bar graph sa baba. Sinagot din ang katanungan kung sigurado bang mababayaran ang kinuhang loan. 40% o 4 ang nagsabing siguradong mababayaran ito, 1 ang nagsabing hindi at 5 ang hindi sigurado.

Ang datos ay makikita sa asul na parte ng bar graph. Para sa pangatlong katanungan, tinanong kung may panahon na hindi nabayaran ang loans sa tamang oras, 3 ang nagsabing may pagkakataon na hindi nakapagbayad sa oras, 2 ang nagsabing laging nakakabayad at 2 ang pumiling hindi sagutin ang tanong.

Para sa susunod na katanungan na nakalagay sa pink na parte ng bar graph, itinanong ang dahilan kung bakit nangungutang. 80% ang nagsabing para sa pondo sa negosyo, 1 ang nagsabing para pandagdag dahil kulang ang kita at 1 din ang nagsabi na para sa pambili ng kalakal na ibebenta.

Para sa panghuling katanungan sa kulay berde na parte ng graph, itinanong kung paano nakakatulong ang mga loans sa kanila, 90% o 9 ang nagsabing pang gastos at 10% o 1 ang nagsabing pang emergency fund.



Ayon kay Gng. Ednalyn Cacho, may ari ng San Isidro Rice Marketing sa bayan ng San Mateo, Rizal, nakaluluwag sila sa pagpapatakbo ng negosyo sa pangungutang niya dahil ang perang kaniyang inutang ay magagamit niya sa pagbibili ng mga milled rice na siya naman niyang ibebenta sa mas mahalaking halaga. Ngunit ayon sa kanya ang panghihiram ng pera ay may kaakibat na risk o panganib, halimbawa pag hindi naabot ng sales ang target na production mas liliit ang kita at makukulangan ang pondo sa pagbabayad ng inutang na pera.

Noong taon 2000 mayroon siyang 1 truck at noong siya'y nangutang noong taon 2003 ay lumaki ang kaniyang negosyo at nakabili pa ng 2 truck.




3. PANGWAKAS



A.Ebalyuwasyon ng Nakalap na Datos


Ang pangungutang base sa pananaliksik ay nakakatulong sa mga tao at negosyante. Ipinakita ng surbey na mayroong mga nangungutang na hindi palaging sigurado na makakabayad at merong din mga nagsasabi na hindi sa takdang panahon nagbabayad ng utang. Bagamat mas madami ang hindi rinerekomenda ang pangungutang, madami parin ang nangungutang upang matustusan ang pinansyal nilang pangangailangan.

Ang dalawa sa pinakaprominenteng sagot kung bakit sila nangungutang at para saan ay sinabing para ito sa pondo ng kanilang negosyo at para sa pang gastos. Isa din sa mga impormasyon na nalaman ay merong mga negosyanteng nangungutang upang ipambili ng kalakal na ibebenta. Pag nabenta na ang mga kalakal na pinatungan na nila ng tubo, saka lang nila babayaran ang utang. Masasabing ang gawain na ito ay maaring nagdudulot ng pagkalugi sa mga negosyo pag nagkaroon ng pagkakataon na hindi nabenta ang kalakal at nalulugi.



Ang prosesso naman ng pangungutang ay mabusisi at madaming requirements. Isa itong paraan ng mga lending companies upang makasigurado na may kapabilidad ang mangungutang na mabayaran ang inaaplayang loan. Sa parte naman ng nangungutang ang mga requirements na ito ay isang palatandaan ng risk na papasukan nila.



B. KONKLUSYON

Ayon sa nakalap na datos, sinasabi ng mas madami na ang pangungutang ay nakakatulong sa mga tao at negosyante upang matustusan ang kanilang pinansyal na pangangailangan kahit hindi positibo ang tingin ng madaming nangungutang dito. Ayon na rin sa estadistika ng Department of Trade and Industry maraming naitutulong ang mga small business sa ating ekonomiya.

In the last five years, the MSME sector accounted for about 99.7% of the registered businesses in the country by which 70% of the labor force earn a living. Around 30% of the total sales and value added in the manufacturing come from MSMEs as well.

source: http://www.dti.gov.ph/dti/index.php?p=532

C. REKOMENDASYON


Sa pananaliksik na ito nalaman ang relasyon ng nangutang at nagpapautang kung saan ang tiwala at responsibilidad ng dalawang panig ay kailangan. Ang mga lending companies ay dapat maging tapat sa kanilang mga kliyente at siguraduhin na hinde lumalabag sa batas ang pagpapautang. Mas magandang kung magbibigay ng mga “tips” ang lenders para sa mga nangugutang at mas mapadali ang pagpapatupad nang kanilang tungkulin.

Sa mga nangungutang naman ay dapat siguraduhing makakabayad sila sa takdang oras ng kanilang inutang dahil responsibilidad nila ito upang maiwasan ang problema.











ANO ANG LINE GRAPH




Sa maikling video na nakalagay sa itaas, nakasaad dito ang mga parte ng isang line graph. Ang line graph ay palaging merong vertical at horizontal axis. Nakalagay sa vertical axis (patayo) ang dependent variables o ang mga datos na sinusukat at ang horizontal axis naman (pahiga) ay kung saan matatagpuan ang independent variable. Ang mga independent variables na nakalagay sa isang line graph ay madalas na mga sukat, agwat ng panahon, oras o petsa.


Upang magamit ng maayos ang isang line graph, kailangang malinaw ang mga marka ng pangalan dito at nakalapat ng maayos sa linya ang nakasaad na datos. Siguraduhin na malinaw ang pagkasaad ng mga inpormasyon na nakalagay. Maaring gumamit ng legend upang malaman ang pagkakaiba ng mga linyang inilagay kung sakaling "Multiple line graph" ang ginagawa. Ang multiple line graph ay isang line graph kung saan higit sa isang linya ng mga datos ang nakalagay sa parehas na set ng axis.

Ang line graph ay talagang isang malinaw na paraan upang maipresenta ang mga nakalap na impormasyon. Mas pinapadali ng mga line graphs ang pagintindi sa mga impormasyon na ipinapaalam sa kanila. Kung ikaw ay gagawa ng isang line graph, paniguraduhin na ito ay tama, malinaw at maiintindihan ng lahat.